Lunes, Oktubre 20, 2014


PASIMULA:


teka lang, di ko alam qng paanu sisimulan ung intro ko eh basta ako si dale, sapat na gulang ..


isang SPPPPPAAAARRRRRRTAAAAAANNNNNNNN!!!!

may mga kwento q na gusto q lang i-share..   andame qng gusto sabihin kasi debut q 'to sa pag popost kaso mag ta taym na q eh.. hahaha.. <teka lang, extend pa q kalahati hahaha>



ang mga mababasa mu ay pawang base sa tunay na buhay, buhay ko, at mga buhay ng may buhay hahaha..pag my typo aq konting pang unawa ah haha, ok wala pa qng kwento ngaun  pero ung mga "share lang"  FB post q muna ung unang magiging laman ng blog na 'to tungkol sa puso, kalokohan at pangarap ang magiging topic naten., copypaste muna  lahat tiis-tiis lang mga baby girl at mga baby boy.. salamat!!


-calo




happy reading..



 at dahil pumasok na ang hanging amihan,at mejo malamig ang panahon unahin na naten ung mga GILAS  pag-ibig, PUSSSSSSOOOOO!!



share lang:



 "para sa babaeng nakakwentuhan q kagabi"

ang totoo nyan nag start ang kwentuhan sa "lahat ng lalake manloloko!!" at humaba pa sa mga linyang "sa una lang yan!!" at "kaya kong mabuhay ng walang lalake nohh!!"

habang hinahawi nya ung maiksi nyang buhok papunta sa likod ng tenga nya habang sinusumpa nya na "pare-pareho lang kaung mga lalake!!!" dalawang bagay lang ang iniisip q its either hawig q ung ex nito hahaha o nasaktan sya ng sobra sa last relationship nya,di mu sya masisisi..

sa panahon ngaun presyo lang ng fishball ang nkatupad sa pangakong "ndi magbabago" kea sinabi q sa kanya "next time na maiinlove ka,ingatan mu rin ung sarili mu ,ung mga suicide bombers nga ng japan nung world war II nag hehelmet pa ehh samantalang magpapakamatay naman un ahh," i mean gamit ng utak,iready mu muna ung sarili mu bago ka sumugod ndi lahat inaasa sa kilig haha ..natatawa q kasi kahit mukhang tapang-tapangan si ate ehh halatang nkikinig naman,.pero humirit pa sya "ehh,basta kaya q mabuhay ng wala kaung mga lalake!!" sabi q alam mu:

"ang love daw parang hangin din yan ehh,its everywhere ,pero aminin mu minsan kailangan mu ng nagiisang electricfan na nakatutok sau para ma FEEL mu ung hangin na un"..

natigilan si ate napa isip ng konti at napatitig saken..mukhang naka move on na agad sya ...
patungo sa aken hahaha

-calo



*******************************************************



share lang:

"para sa kumpare qng na overthink ang lablayp!!"

pagbigyan nyu na q.. maiksi lang 'to pramis haha

nung isang araw nagkayayaan kame kumaen sa adobo connection <sabit lang ako haha>

apat na barako, my kanya-kanyang kwento.. tungkol sa buhay pag-ibig ang naging topic,korni man qng korni eh kameng mga lalake naiinlab din kame.. kinikilig din kame gaya nyung mga babae at higit sa lahat my bangs din kame !! na sumasaket tuwing kame ay bbrokenhearted, pero teka.. ndi namen akalain ung naibahagi nung isa.. ndi mahalaga ung detalye ng labstory nya, ung mensahe nya ung natitigan ng aming mga tenga..

<with background music, all the love in the world by the corrs hahaha>

"ang masaket dun, mahal q siya un ang alam q, pero di q alam qng alam nyang mahal q siya.. binitawan nya q kasi sobrang busy q sa trabaho.. un ang masaket ung marealized mung huli mu na nung marealized mung wala na pla ung babaeng mahal mu hehe" <naluha,nagpunas ng luha, naluha ulet>

un na siguro ung pinaka sincere na luhang nkita q sa isang lalake.. sa kultura naten, krimen ang mkita mung lumuha ang babae walang kkwestyun jan..minsan nga kahit walang kasalanan si lalake, pag si babae umiyak,80 percent ng sabihin nya totoo.. hahaha , pero just my two cents ahh iba pala pag lalake ang umiyak, my kurot, may kakaibang "sshhheeetttt, tunay na 'to!!" sa dibdib.. everybody deserves a second chance sabi nila, pero minsan ung mismong second chance ang walang second chance..kea may mga taong nakatali sa nakaraan.. nabitin, my happy ending na naiplano pero ndi nasunod..

lesson learned: "third party" ndi lang tumutukoy sa babae/lalake na umagaw sa jowa mu, lahat ng bagay na nagiging hadlang sa happy ending nyu third party rin un kea pahalagahan mu yang jowawers mu baka mabitin ka rin sige ka mapapa adobo connection tau nyan hahaha..

para sa mga alipin ng pag-ibig sabay-sabay , ready sing....

"ngayo'y naririto....isang katulad mooooo.. na sakin ay magmamahal..."

hahaha!!!

-calo





**********************************************************




share lang:

"para sa mga single, legal age at may karapatang kiligin haha"

may nagtatanung saken dito sa FB:

"sir, paano ba mag move on?!!" 

sabi nya masugid daw syang nagbabasa ng mga post/s q hahaha, salamat dre.. itatago nalang naten siya sa pangalang MR.Saguittarius hahaha!! <tama b spelling?!!> haha

una sa lahat, salamat sa pag appreciate ng katarantaduhan q. pangalawa, nagkamali k ng tinanung , at ikatlo , ndi talent o skill ang pagmumuv on na pde itanung ng "paano po b mag move on?!!" tapos sasagot aq ng : "ganito kasi yan !!!" walang expert jan sir, kea nga may billboard db?!! para pag di na tlaga kaya eh pde akyatin hahaha..joke lang ..

d q alam ung kwento mu eh..pero ang pag momove on ay nahahati sa dalawang uri, pwedeng move on ng ndi naging kau..pdeng move on ng naging kau tapos nag break up.. pero ittry qng mag advice "base on my mistakes, base on my experience"

mgkkwento lang aq..bahala ka na pumulot qng may aral kang mapupulot ah hahaha!!

scene:

naiwan q ung passport q, kelangan qng balikan.. nagmamadali aq pabalik sa pasay-MRT andameng tao kea mejo mabagal ung usad ng hakbang ..habang naglalakad dahan-dahan.. napapansin q ung mga lalakeng nakakasalubong q.. ung mga ngiting abot tenga,ung isa nga napa "UN OHHH!!" sabay apir sa kasama nyang studyante ng lyceum hahaha.. qng pagbabatayan naten ung mga facial reactionS nila.. for sure ung babaeng nasa unahan qng naglalakad eh .. may itsura or sabihin na nateng maganda...

nasa hagdan na q nun, tsaka lang nag sink in sa utak q ung height ni ateng nasa harapan q..ung buhok niya..pamilyar ..at higit sa lahat ung mejo tibo nyang attire at pagkakamot ng sakong... SHETT!! naloko na hahaha.. ung lakad q lalung bumagal.. mejo mas malamig ang hangin, at mas maarte ng konti ung halumigmig ng ulan.. dahan-dahan ang galaw ng mga tao..ngdesisyon na q na huminto muna.. nag try aqng magmiskol sa old number nya hahaha nagulat aq kasi nag riring!! , nakita q rin na ,chineck nya ung phone nya .. siguro nag vibrate.. pero ang nakakatawang tagpo dun eh nu'ng lumingon sya sa likod nya ..haha totoo ang kasabihang my sixth sense ang babae!! my kutob sya ehh!! .. nakita nya qng nakasandal sa handle ng overpass hahaha prang koreanovela ung scene..nagpalitan kame ng kaway .. lumapit sya.. at sinalubong q naman.. "huyyy!! kamusta na ?!!" sabi q, tinititigan q ung buhok nya ganun parin ang haba..walang pinutol sa hairstyle maliban sa komunikasyon nameng dalawa, dati tlga di na makontak ung sim na un ,mejo awkward pala tlga ung mga ganung tagpo.. nag kwento sya saglit pero d aq makafocus sa mga sinasabi nya eh..ang natatandaan q lang sa sinabi nya kulang na lang siya ng isang requirement..hahaha

ewan, biglang nagbalik/flashback ung mga MOA dates namen hahaha..natatandaan q pa dati nung naglalakad kame, habang pinipilit ng hinliliit qng abutin ung kahit anu sa mga daliri ng kamay nya para makabuo ng holding hands..pero naunahan ng kaba..mga bagay na ndi nasabi ..mga labstory na ndi napondohan ng pagkakataon,ng tiwala..at ng pamasahe hahaha.

tinanung ko siya"

anu na lang b kulang mung requirement?!!

sagot nya: "PAG-IBIG nalang.. "

"hahaha..yan kasi".. sagot q pero di nya narinig.. hahaha

minsan nagtatago tau sa status na "IT'S COMPLICATED" pero alam naman nateng "CANNOT BE" tlga ung tunay na status ehh..minsan kumplikado ang isang relasyon kasi may mali at lalung ndi yan magiging kumplikado qng nasa lugar ang lahat.. ndi rin ticket sa happy ending ung " i love you too" hahaha kea nga sabi ko maging ready ka lang..

no choice ka dre, ndi ka pde magpaka "the man who can't be move" ndi na siya babalik pero iikot parin ang buhay..

LUCKY COLOR: GREEN, WITH FIFTHY SHADES OF GREY.
LUCKY NUMBER: kahit anu,wag lang ung gamit nyang cp number

nyahahaha!!

-calo




*************************************************



share lang:


para sa mga nag aabang ng bulalakaw.. <available na sa itunes haha>

November 30, 2013 at 8:58am
This song is originally written by Dale Calo on our first meeting and jamming on our rooftop. I wanted to plot a melody that will both suit a comforting and majestic feeling. And I guess after months, I finally satisfied myself with the chords and melody. Here's the lyrics.

BULALAKAW

Hanggang dibdib na ang dilim
Andito sa isang tabi
Di makahimbing
Di mapakali

Naglalambing ang puso kong haling
"Siya ba ay darating?"
Dito ka muna
Dito ka muna..

May isang naglalakbay
Sa gitna ng kalawakan
Sa pagdaka mo'y dumadalangin
Na ikaw ay makapiling
Dito ka muna
Dito ka muna..

Chorus:
Ikaw ang tanglaw
Sa aking gabing anong panglaw
Ikaw tanging ikaw
Ang yakap mo't mga halik
Sa aki'y dulot anong sabik
Ikaw tanging ikaw
Aking bulalakaw

Sa dami ng bituing nagniningning
Ikaw parin aking hiling
Na sumapit at dumating
Wari mo'y tumitingkayad, nagliliyab
Sa kaniyang paglalakbay
Siya rin palang patak ng kalungkutan
Dito ka muna
Dito lumuha

* I love the metaphoric approach. Tapos I wanted the tone to be somewhat celestialy played.

Credits:
Original lyrics: Dale Calo
Chords and edits: Love Suarez





******************************************************



share lang:

para kay lalake:

sabi daw sa bible, nu'ng nalungkot ang unang lalake <si adan un> ehh kumuha ang diyos ng isang tadyang ke adan at hinulma at ginawang babae..

alam ng langit na ang sagot sa kalungkutan ni adan ay si eba.. ndi DOTA, ndi alak ang hinulma ng diyos, wala k ring karapatan i-two time si eba kasi isang tadyang lang naman ung kinuha sau eh hahaha ung totoo kuya pang ilang tadyang na yang kasama mu?!! hahaha

maubos sana ung ribs mu sir!!..

para kay babae:

ayon din sa mga lumang kwento si prince charming ang mag-isang susundo sau sakay ng puting kabayo, wag ka ring two timer baby girl, ndi riding in tandem ang prince charming mu, one at a time lang hahaha..

"the love you take is equal to the love you make"

-paul mcartney , may ma i-qoute lang haha

-calo



************************************************

share lang:



mga pare mayroong 3,523,843,881 na babae sa ibabaw ng planeta, challenge sau na iparamdam sa kanya na sya lang ang nagiisang babae sa mundo..wag kang magpapaiyak ng babae.. unwritten rule yan ng tunay na lalake ..

at tandaan: sa mtv ng the man who cant be move natapos na ang kanta di pa rin bumalik si babae kea pag iniwan mu siya pare wag kang umasang may babalikan ka hehe

-calo


************************************************


Naniniwala aq na  ang buhay mo ay resulta ng tiwala mu sa sarili mu, mga naipong pagkakamali , mga pinanghawakang pananaw, at sense of humour ng diyos.. ang mga susunod na kwento ay ako, at mga taong nakasalubong ko, "educate and make them laugh" ang peg ng susunod qng mga post/s..

enjoy..




share lang:



kagabi habang naghahalungkat aq.. nkita q nanaman ung sulating di-pormal blg. 7 ko nu'ng 3rd year highskul .. "ako, limang taon mula ngayon" yan ang title .. 500 words dapat..

para syang promise letter mu .. sa future self mu.. natatawa lang ako sa mga nilagay q.. ma meet lang ung "500 words" .. nasa huling paragraph na q nung nabasa q ung 

"nakikita q ung sarili qng nagttrabaho sa music or movie industry"..

limang taon ang lumipas..

nasa taiwan ako naglilinis at nagooperate ng makina <factory worker>.. part time ko ung pagpipintura ng dorm ng mga vietnamese, naghihiwa ng sibuyas at bawang sa pinoy resto.. na experience q rin mag semento ng parking lot.. 20years old aq nun.. eksaktong limang taon..

pahabol:

tinupi q si sulating di- pormal blg. 7 ng may mala jake cuencang ngiti bago ko ito ibalik sa maleta ng ala-ala ..hahaha..

kasi kahit papano.. natupad q ung pangarap q na "nagttrabaho sa music or movie industry" kasi ung company na pinasukan q..pagawaan ng CD at DVD un eh hahaha!!

atleast.. db?!! hahaha

PUUUSSSSSSSSOOOOO!!!!!!

-calo




****************************************************


share lang:

kanina sa terminal ng bus:

si manong, dala-dala ung timba na puno ng mineral water, c2 at mga softdrinks,pero halos natatakpan na ung kanang balikat nya sa dame ng crackers at mga cheeserings, nagtitinda siya,..mejo payat ,katamtamang taas, kayumanggi na may pulang sumbrero at may "i love pasay" na yellow t-shirt..

nakatingin si manong dun sa kinakabit na greetings ng mayor "WELCOME BACK STUDENTS"

"tingnan mu ung tarantadong mayor, mas malaki pa ung print ng pangalan nya kesa dun sa "welcome back students" ..politics nga naman!!!" sabi ni manung, habang inaayus ung pagkakapatid ng tsinelas nya .. <take note with accent ung "politics nga naman!!!" hahaha>

habang paikot-ikot sya sa loob ng terminal ..at inaalok ung timbang my laman na pamatid uhaw..napansin q lang na kaway sya ng kaway dun sa batang babae, nakaupo sa waiting shed ng "babae,buntis,matanda at may kapansanan" pero ung bata nakasimangot lang ..sumenyas si manong sa batang babae "dalawa nalang!" sabay taas ng isang kamay na naka peace sign.. sumimangot parin ung bata at hindi sya pinansin..

"nong, isa ngang C2.., " sabay abot ko ng bayad kay manong..

"crackers?!!", "sampu lang yan," alok ni manong na may ngiting.. "sige-na-boy-labo-pakyawin-muna-please!!" haha

"sige po, isang maanghang!!" sabay abot ng extra ten pesos kay manong..

pagkaabot q ng bayad kay manong tumakbo papasok sa coastal mall..

*ilang minuto pa ang lumipas*

kumaway ulet si manong dun sa batang babae sa waiting shed..

sabay binunot ung pink na tsinelas na may barbie logo..

palapit palang si manong dun sa batang babae eh, sumalubong na sa kanya ung bata.. nakangiti .nakayapak na sinalubong ung matanda..

"salamat..lolo!!" malambing na sambit ng batang babae..

awwwww..minsan nasa paligid lang ang magtuturo sau ng sweetest part ng buhay..

everyday..

father's day..

-calo




***************************************************************************


share lang:



darating talaga ung panahong ndi ka na masasalba ng mga paolo coelho qoutes at bo sanchez' inspiring stories.. wala na ring epekto ung pananakot ni belen, ni te dory at ni nene sa mga utang na hindi nababayaran.. eto ung mga tagpong nanlalaban ka sa "gusto vs dapat" o "happiness vs responsibilities , ang hirap minsan maging superman..

humingi aq ng konting signs sa langit knina , pauwi na q galing trabaho tapos ung dalawang batang jejemon na nasa sulok pinakyuhan aq, natawa lang aq sa t-shirt ng isa "NEVER GIVE UP" ung naka print, ung isa naman "SWAGGER BOY"

eto na ung signs:

"never give up, swagger boy" hahaha

my sense of humour ang diyos..haha

-calo




****************************************************************************************




share lang:

naalala q ung sabi ni pacquiao:

''pg pinadalhan ka ng letter tapos d mu tinanggap, automatic un ''return to the sender'' un

wag mu lng pansinin…

gnyan dw dpat ihandle ung mga taong wlang alam gawin kundi manira…

tsismis, pinaka mataas na uri ng kabobohan…

-calo



************************************************************************************




share lang:

minsan may nabasa aq about sa "Wright brothers" ung nag imbento ng eroplano, pinagtatawanan sila kasi imposible daw ang binabalak nila, sabi ng mga abnormal people haha 10million years daw ang kelangang gugulin ng tao para makaimbento ng flying machine ..haha buti na lang ndi naniwala ung magkapatid kasi qng nagkataon isang malaking PIER ang NAIA ngaun ..hahaha

ibig qng sabihin:

isagad mu sa BEAST MODE, ang iyong tiwala sa sarili ..darating ang araw it's all about "your confidence VS. their comments" lumalaki ang problema pag maliit ang tiwala sa sarili.. tandaan mu yan kasi english yan!!! hehe


-calo



*********************************************************************************


share lang:

"para sa mga taong bigla na lang nagbago..

pag nakuha ko ung martilyo ni CARD CAPTOR SAKURA..

ipapalo q un ng todo sa bunbunan mu..

at sasabihin q: "PLEASE naman ohh,. bumalik ka sa dati mung anyo!!"

hahaha IHASHTAG NA YAN!!

-calo



***********************************************************************************



share lang: 

ung customer q kanina sabi nya saken "lahat naman tau may kahinaan eh, si supermario nga eh ang tigas ng ulo bumabasag ng bricks/bato pero nung nakatapak ng pagong patay ehh" ..

naalala q tuloy ung lyrics ng superman "even heroes have the right to bleed"..



sabi rin  ng isa diplomat eh gaya ng "ung mga chinese rin magagaling sila sa math, kaso mahina sa geography" hahaha lahat knila ehh

-calo




*************************************************************************************





share lang:


kanina nung nasa byahe aq papuntang opisina..ung pinapatugtog sa bus "pusong bato" tapos nung chorus na ohh sabi ng mga tao:

TANN..TANN TANN..TANN...TAAAANNN!! <mas malakas na palo sa hita dapat sa last na TAANNN!! para feel pagpasok ng chorus >

"DI MU ALAM DAHIL SA'YO AKO'Y DI MAKAKA..INNNNN..
DI..RIN MAKATULOG NG AKO'Y IYONG LOKO..HINN"

haha mistulang videoke ang bus na un..

-calo




*******************************************************************************




share lang:


<PARA SA LAHAT NG NAKAKARELATE>

naalala q nung sa ortigas pa q nagttrabaho ,ung panahon na pde pa ung mga provincial buses sa EDSA, ang babaan nun eh ung bakery sa may kanto ..ugali q ng magdala nung C2 apple ung pinakamalaki 1 liter, nauubos q un bago pa bumaba tapos itatapon q un sa basurahan sa gilid malapit sa "MAHAL KITA INN" araw-araw un ang routine ng buhay q pero nagbago un nung may nkilala aqng matandang babae..ubos na ung c2 itatapon q na sa basurahan, nagmamadali aq sa paglalakad mejo late na kasi q kea ibabato q na lang sa tumpok ng basura, laking gulat q , ung matandang babae na hindi na ganu makahakbang tinawag aq "noy, saken nalang " ung bote ung tinutukoy ni nanay, iniabot q sa kanya ung bote ,napako na ung tingin q sa kulubot nyang noo,gulo-gulong buhok at ung transparent na plastic bag na puro bote ng 1.5 na softdrinks.. "eto po nay ohh" iniabot q ung bote .. di aq mapakali kasi gusto nya tumawid ,nagbabadya syang umakyat sa overpass pero ndi nya kaya..sabi q "nay, gusto nyo b tumawid??" sabi q pero nglalaro sa isip q na sana tumanggi sya para makapasok pa q sa trabaho late na q eh.. "may drum kasi dun, baka my mga bote pa.." tugon ng matanda habang binubuhol ung plastic bag na dala nya.. dq na natiis ngtanung aq "nay, san mga anak nyu??" nasa gitna kame ng paglalakad nun, naiiyak siya "ganito rin nagkakalakal din" tumingin sya saken,pero agad din nyang iniiwas nung napansin nyang nakatitig aq sa kanya.. "ganun po b, kumaen na po b kau?!?" nagdecide na ung utak q na ndi na papasok sa araw na un.. "hindi pa, mamaya pa kame kakain pag benta ko nito sa junkshop" malambing ang boses ng matanda mkikita mu na isa 'to sa pinaka mabuting magulang..ung laki ng plastic bag na tinutukoy q..mas mataas pa un sa kanya inaakay nya lang un sa sobrang bigat.. "saglit lang nay, dito ka muna ahh" tumakbo q sa bakery, bumili ng iilang piraso ng tinapay at iniabot q sa kanya "nay,kaen ka muna wag na po kau tatawid dun" sabi q.. "alam mu noy, ang hirap ng buhay ko pag naiisip q na naghuhukay aq ng basura para makakaen..di ko.... " naputol na ung kwento nya kasi naunahan na sya ng paghikbi .. "matagal-tagal na rin may kumamusta saken, noy" sinasabi nya un habang nagpupunas ng luha.."ang hirap ng buhay noh.." pahabol nya pero nakangiti na sya,. d q na nagawang magsalita nagpaalam na lang aq sa knya na mauuna na q ..nagulat aq nung hinalikan nya ung noo q sabay sabi ng "pagpalain ka,noy".. at <tumawid pa rin si nanay>

minsan:

ang ARTE naten ..nagmumura tau pag mabagal ang net, walang mang tomas ung ulam nyu,di mu inabot ung sale sa SM o masikip pla ung converse na nabili mu, minsan naiinis ka kasi mas maganda pla ung samsung galaxy kesa sa iphone, o ung syota mung baduy manamet,minsan ang babaw naten d man lang tau nahihiya sa mga taong literal na nagsusurvive lang araw-araw as MAGSURVIVE lang..mswerte ka parin sa iba mulat mu lang mata mu kapatid di ka binigyan ng langit ng problemang di kaya lutasin..wag k ng magmalandi jan galingan nalang naten ahh hehe

music please: tug-tug-tug TUG!!! " ang kelangan mo'y tibay ng loob qng mayrong kasawian " hahaha





**************************************************************************************




share lang:


 naalala q ung kalaro qng batang lalake mga 6years old na rin cguro un

scene:<naglalaro kame sa tapat ng bahay namen bonding time>

bata: YAHHHHHHHH!!! <nkataas ung kanang kamay nya, tikom kamao,feeling superman>

ako: di ako tatablan nyan!!! <mejo lumiligid ang mata q kasi baka dumaan si crush>

bata: etong sau !! <binunot ung mahabang martilyo na nakasukbit sa likod nya>

ako: ahhh ikaw b si THOR?!!!

bata: INUUTUSAN KITANG BUMALIK SA DATI MUNG ANYO!!!

ako: hahahaha CARDCAPTOR SAKURA PALA ANG BRUHA!!!!

HAHAHA # BADING 'TO PAGLAKI HAHAHA




*************************************************************************************




share lang:


alam nyu b na ang pinaka malalanding babae sa lupa ay matatagpuan sa

<drumrolls>

sa INBOX ng BF mu nyahahahaha!!!

-calo


***********************************************************************************



share lang: 


sa mga iniwan,binasted at niloko jan..may mataas pong bagong gawang electronic billboard sa cavite hahaha
mataas-taas po sya kaso qng papalarin kang mabuhay may hospital po dun mga tatlong kendeng lang..

bukod sa math,..LOVE ang tanging subject sa mundo kung saan mahina ang tao..
-calo


**********************************************************************************



share lang:

sa lugawan kahapon kumakain aq, may bata bumili:

bata: pabili nga po..
ale: anu un?
bata: lugaw po..
ale: may laman b?
bata: alangan, anu kakainin q mangkok?! 

ako: hahahaha oo nga naman te..

*sa sobrang hightech ng mundo,naedit na rin pati magagandang ugali..*
-calo



*******************************************************************************




share lang:

may nakakwentuhan aqng batang lalaki knina<hamog ung name> ,napaaway daw sya pero syempre dahil kwento nya sya rin ang bida hahahaha
ALS <alternative learning system parang sa tesda> haha

SCENE:


hamog: napagtripan aq sa kanto nung nakaraan ohh <with matching kumpas ng kamay>

dale: ohhh..

hamog: lasing kasi kuya dale eh,kea ayaw q patulan pero ang kulit talaga kamu..

dale: pinatulan mu??!<mejo tulala,di nagrereply si crush ehh>

hamog: bigla kasi qng sinuntok, sunod-sunod!!! <with matching facial expression sabay titig ng pangungumbinsi haha>

dale: anu ginawa mu?! 

hamog:di q talaga pinatulan kasi lasing ehh,..

hamog:<pahabol> pero nasalag ko lahat ng suntok nya,ni isa walang tumama..<pailag-ilag siya feel na feel nya ung mga eksena>

hamog: <pahabol ulet> bilib nga ung isang lalakeng nakakita ehh

hamog: <siya na lang nagkkwento haha> nilapitan ako kasi napabilib ko talaga ehh

hamog: tinanung ako ng lalaki kung anu ung pinag-aralan ko..

*SELF DEFENSE UNG TINATANUNG NUNG LALAKE* 

hamog: ALS po !!!

lalake: woww!! anung belt mu dun?!!

hamog: ung ordinaryong sintron lang rin..

lalake: *kamot-ulo-naglakad na palayo*

dale: hahahahaha yan ang tinatawag na misunderstanding.. ‪#‎hamog‬


*****************************************************************************************



share lang: 

kagabi walang mkapasok na jeep sa zapote-alabang dahil sa taas ng baha kaya npilitan kming maglakad,lumusong sa baha nakapukaw ng atensiyon q ung lalaking naka wheel chair..kea naman tinulungan q sya:
SCENE: 

dale: kuya pahighway ka b?!

manong: oo eh mataas b baha!!?

dale:hanggang bewang daw..

manong: so,hanggang leeg q <laughs>

dale:tara sabay tau,di ka na makakadaan sa kabila eh mas malalim dun

<DAHIL NAHIHIRAPAN SYA UMUSAD SA BAHA AKO NA NAGTULAK SA KANYA>

dale: ayus ka lang b jan!?

manong: lumalalim dito ahh...

*napapansin ko na nasa leeg nya na ung tubig*
*ilang minuto nakalipas*

manong:STOP!! STOP!! STOP!!!

hahahaha nalulunOd na pala ung manong di q alam haha nasa ilong nya na ung tubig hahaha SORRY TALAGA gusto q lang tumulong hahahaha laughtrip aq hanggang sa bahay..
lesson learned: "ang tubig na hanggang bewang q,ay hanggang leeg nya"
hahaha




-calo












































































************************************************************



share lang:


 darating ang araw marerealized mu na ang pinakamahalagang papel sa buhay mu ay hindi ang diploma kundi ang payslip..wag kng kampante bata kung nagaaral ka sa magandang skul o sa skul ng magaganda..ndi yan ang tinitingnan sa resume..samantalahin mu habang pinag aaral ka, iba dito sa labas ng paaralan parang world war Z dito,. pipila ka, magugutom at magpprint ng maraming resume..qng nakakatakot ang mid-terms at finals mas nkakatakot ang final interview..iba ang pressure dito..sabi ng kilala qng atenista pag graduate nya raw madali syang matatanggap kasi branded daw ung diploma nya.. ayun nakasalubong q nag apply tatawagan na lang daw sya..pag labas mu tropa sa iyong minamahal na skul..lakasan mu loob mu,lahat ng uri ng ugali mkakasalubong mu galingan naten/mu..qng paanung pinataob ng matiyaga mung suitor si mr.tall,dark and handsome..ganyan dn dito labas daig ng matiyaga ang lahat ng uri ng species.. kudos!


-calo



*******************************************************************



share lang:


tumaas daw ng 7.2% ang GDP ng pinas dahil sa kaka vhong navarro naten hehe

ang tanung q si cedric lee,si bruce lee at si jet lee ay galing b sa iisang fallopian tube?!! haha kagagaling sumuntok e..

si bulalo master rin umeksena hahaha..pero ndi naman ung cup noodles ang salarin dun ehh kundi ang espiritu ng alak..

ohh sya nga pla sa mga magsing irog..feb14 nanaman magmamahal na ung rose sabi sa balita,sampaguita muna ahh maging praktikal tau haha, sa mga naonsehan naman ng pagibig "konghei fat sai" na lang haha palo mu si wooden horse dun sa bunbunan mu..

sa mga single naman..ung feb.14 ,sale sa SM haha atleast db..

ready sing: "panahon nanaman ..ng pag..ii ..hhii bigg.."

-calo



**************************************************


share lang:

ung customer q sabi saken:

"I WANT TO SPEAK TO AN AMERICAN AGENT"

dale: im an american, how can i help?!!

customer: where u located at?!!

dale: idaho!!

customer: really?!! well, what is the capital of idaho?!!

dale: <MUTE BUTTON> sir, naman d kna mabiro hahaha

-calo





*******************************************************************



share lang:

nakasakay aq sa DLTB CO. knina <bus po un> tapos ang palabas sa bus na un ehh "300" qng pamilyar kau sa mga sigaw na "THIS IS SPAAAARTTTTAAAAA!!" at "AHHOOOOO!! AHHHHOOOO!!" un un..

my eksena dun na alam nyu na naman, si king leonidas bilog ang buwan, at nakaposing sa ilalim ng liwanag ng buwan na mejo pang rated 18 tlga tapos alam nyu nanaman ung mga sumunod na eksena ehh..haha

ung batang nasa gilid ko na nanunuod biglang sumigaw:

"MAMA!! MAMA !! tingnan mu ung lalake naging zombie kinakaen ung babae!!

yan na!! naging zombie na rin ung babae kinaen nya rin ung lalake!!

teka mama?!! baket ganun ?!! kinaen ng zombie ung isa pang zombie?!!!

<nakakatawa ung facial expression ng bata>

sumigaw ung nanay: HOOOYYYY!! may bata dito!!

<nataranta ung konduktor >
<bumunot ng DVD>

nagsalang ng lion king...hahaha!!

-calo




***************************************************************************************





share lang:

grabe nakakaiyak.. ung " THE FAULT IN OUR SALARY" hahaha OK?!! OK..

ang sarap sumigaw ng OHH MY GODZILLA!!

parang may MALEficent..

sa sinahod q..

-calo





************************************************************************************



share lang:

sa computershop,

katabi q ung mga dota boys sa isang computer shop sa lugar namen habang nag aantay sila ng mag ta time.<limahan daw kasi>.

sabi ni dota boy 1:

"pogi, ang tukso ndi yan nilalabanan ..baka magulat ka mas malakas sau yang tuksong yan..kea qng ako sau layuan mu nalang,wag mu ng labanan..baka talunin ka nyan, maniwala ka.." sabay hithit ng yosi, ibinalik nya na rin agad ung lighter sa lalakeng kausap nya nung nkita nyang may baga na ung yosi..

<natawa ako sa sagot ni dota boy 2>

"anu pang silbi ng pangalan ko, kung POGI lang rin ang tawag nyo!!!"

hahaha!! proud na proud sya ..gagambang lalake eh, uod ng pogi!! haha..

minsan kahit gaanu kaganda ung advice mu, depende prin sa sasalo qng uunawain..haha

-calo




*********************************************************************



share lang:

may napanuod aqng balita:

about sa isang barangay sa samar , isolated ung lugar kea ung mga estudyante ang ginagawa eh tumatawid ng ilog makapunta lang ng school..

alam nyu b ginawa/sabi ng DEPED?!!:

"at dahil batid namen ang layo ng paaralan sa inyong lugar, ...

kame po ay nagpagawa ng mga...

<drumrolls...>

"BANGGGGKAAAA!!!"

hahaha .. dapat classrooms sir.. ndi bangka ..

-calo




*************************************************************************************




share lang:

naalala q lang nung sumakay aq ng jeep sa baclaran.. puno na ng pasahero.. pero my isa pang kulang kaya nakaupo pa q..

ehh nauutot aq hahaha!!! ang ginawa qng teknik isinasabay q sa ubo para walang makarinig.. kaso sabi ni lola saken..

"ambaho naman ng ubo mu!!!" hahaha

FAILED!!! haha

-calo




****************************************************************


share lang:

ndi porke summer ehh ipapakita mu ang buong human anatomy mu haha

ang totoo nyan ndi nahuhulog ang kalalakihan sa lalim ng cleavage dun parin kame sa lalim ng pagkatao hehe

"buti pa ung bolpen ko may takip ehh" hahaha

-calo






************************************************************


share lang: 

pagka text saken ng tropa ng : "PARE MAY SAHOD NA!!"

bigla qng narinig ung kanta ni bamboo: "HALLLEEEE..LUUUHOOO..

HALLEEE..LLUUHHHUYYAAA!!"

kaso after 2days iba na ung themesong ng sahod q:

"HINAHANAP-HANAP KITA ...HINAHANAP-HANAP KITA"

atleast bamboo parin haha

-calo



*****************************************************************







at muli salamat sa pakikinig, hanggang sa muling kwentuhan..  




-calo